www.PoemsAbout.com

     Home | Contact Us

Poems On / About GRADUATION  4/18/2015 10:08:31 AM
Search For Poems & Poets:
POEMS ON:
• alone
• america
• angel
• anger
• baby
• beach
• beautiful
• beauty
• believe
• brother
• butterfly
• car
• change
• chicago
• childhood
• cinderella
• courage
• crazy
• dance
• daughter
• death
• depression
• dream
• family
• fire
• freedom
• friend
• funny
• future
• girl
• god
• graduation
• greed
• haiku
• hair
• happiness
• happy
• heaven
• hero
• home
• hope
• house
• husband
• identity
• joy
• june
• kiss
• laughter
• life
• lonely
• loss
• lost
• love
• lust
• marriage
• memory
• mirror
• money
• mother
• murder
• music
• nature
• night
• paris
• passion
• peace
• pink
• poverty
• power
• racism
• rain
• red
• remember
• respect
• river
• rose
• school
• sick
• sister
• sky
• sleep
• soldier
• song
• sonnet
• spring
• star
• success
• summer
• sun
• swimming
• sympathy
• teacher
• time
• together
• travel
• trust
• truth
• war
• work
 

 

Best Poems About / On GRADUATION
 
 
 
<< prev. page

Page: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 20 30 40 50 60 91

next page >>

 
   
 

  17.     

Great Golden Chikalas Graduation

GREAT GOLDEN CHIKALAS GRADUATION

Grandfather’s clock has changed
Bring back grandfathers clock
Grand jury on trial
I name you grandeur
Give us courage

Destiny never lies
We shall take our progress to the pinnacle
But separation was between us golden chi alas
Graduation came in between us
Missing flies dark to light and light to dark.
 
Jamila.i. Bello girei

Read more poems from Jamila.i. Bello girei >>>
   
 

   
   
 

  18.     

Fidgeting Courage

Yesterday we were an anthem of revolution
Singing, crumpling on a street of new order legacy
Under an ocean of beer lathered in starry sky
Twinkling stars with cigarettes between their lips
Smokes constellation misting the weather
Now salute me a graduation, present me a gift
A fat barrel of duties and rights of adult being
Twenty years of living has never felt so vital
The blinding path of 'arbeit macht frei' shines: how frei?


(graduation night, July 2008)
 
Ida Mustazir

Read more poems from Ida Mustazir >>>
   
 

   
   
 

  19.     

My Schoolbag

I used to have a pretty schoolbag That contained everything that was attributed to my school's days and My whole pretty memories, A pretty schoolbag is part of any student's life Simply because he needs or she needs To put one's stuffs in it, Careless students throw schoolbags Anywhere and everywhere Simply because they refuse to be organized or to be Interested in the school's life anytime, I respected my school, I respected my whole teachers, I loved my whole classmates, and I loved everyone and everything got attributed To my school's life Simply because I loved my whole school's life, My schoolbag meant everything to me, so It was great and wonderful In what it contained from my first days Until the moments of my graduation. ______________________________________________________________________
 
MOHAMMAD SKATI

Read more poems from MOHAMMAD SKATI >>>
   
 

   
   
 

  20.     

A B N K K B S N P L A Ko? ! - Bob Ong (Part 6)

Minsan nanghihinayang ako pag naiisip kong kaya lang ako hindi nagka-award noong high school graduation e dahil sa tardiness ko. Madalas daw akong late kaya may mga teachers na nag-object nang maging candidate ako para sa special award for conduct...'yan e ayon sa kuwento ng adviser ko. Pero hindi yata dapat ako maniwala dahil bukod sa madalas akong late date e marami pa 'kong ibang mga itinagong kalokohan.
Dahil matindi ang pressure ng fourth periodical exam sa seniors dati, nag-deal kami ng classmate kong matalino at matalinaw din. Dahil sabay-sabay na ibinigay ang test papers ng iba't-ibang subject, natuloy ang plano naming magpalitan ng papel. Dalawang papel ang sinagutan namin bawat subject, papel n'ya at papel ko, naghati kami. Bahala na s'ya sa Advanced Algebra, Trigonometry, At Physics. Sagot ko ang World History at Literature.
Hindi lang 'yan ang kalokohan ko, gumamit rin ako ng kodigo na nakasulat sa likod ng Logarithmic Table. Nahuli! Pero bukod sa konting pangungonsensya e wala nang ginawa ang proctor ko. Tolerant.
Sige, aaminin ko na ang lahat at mangungumpisal ako ngayon.
Kinopya ko ang pirma ng nanay ko para kunyari sa bahay ko ginawa 'yung assignment ko dati sa English.
Nagsulat ako ng mga pangalan sa top counter ng Chemistry laboratory namin (pero maliit lang, kasinlaki lang ng mga letra sa librong 'to) .
Inuwi ko ang isang libro na matagal nang kakalat-kalat sa room namin (wala namang umaangkin at dahil medyo sira na 'yung libro, alam kong sa basurahan na rin babagsak 'yon.)
Madalas akong mag-cutting sa ilang subjects (pero hindi para maglakwatsa kundi para tapusin ang project sa iba pang subject.)
Kalahat ng mga dahilan sa excuse letters ko e guni-guni lang.
Naukaan ako ng buhok dahil hindi umabot ang gupit kong 2x3 sa prescribed na 3x4 haircut.
Na-hold ako ng discipline committee kasama ang iba pang estudyanteng lalaki na gumagamit ng colored/printed undershirt.
Nahuli ako ng first period teacher na nagtatago sa gym kasama ang dalawa pang kaklase habang iniiwasan namin ang discipline committee at CAT officers dahil late kami sa flag ceremony.
Madalas akong late kaya maraming beses din akong pinagpulot ng basura sa school ground kasama ang iba pang habitual latecomers.
Nilabag ko ang rules ng attendance & punctuality at haircut & uniform. Guilty rin ako sa charges of cheating, forgery, vandalism, at 'theft.' Andami ko palang naging kalokohan, hindi nga lang halata dahil nakatuon ang mata ng mga opisyal ng eskuwelahan sa 'usual suspects' kahit na pilit nang nagpapakatino ang mga ito. Kung sa akin napunta 'yung special award for conduct, malamang matagal na ring nilapa ng kalawang 'yung medal dahil hindi karapat-dapat sa 'kin. Pero sa kabila ng lahat, nakalagay sa Certificate of Good Moral Character ko e 'EXEMPLARY' pa rin.
Ayos ang reputation, pero hindi ang character. May nangangamoy politician.

'Bob, you're just starting your life. What you've accomplished is but a beginning. I know you've got what it takes to make your life in the future the best. Push hard and you'll be able to achieve what you want with flying colors. I know you could. Congrats and good luck...Lovelots, Ma'am Babes'
Lovelots...lovelots...Babes...hindi halatang terror ang adviser ko noong Fourth year. Mabait naman s'ya, pero sa nakararami, isa s'ya sa mga teachers na dapat iwasan - matapang at namamahiya - ibang-iba sa taong pumirma sa kopya ko ng class picture.
Kanya-kanya ng gimik noong Graduation. Ako, pinapirma ko ang classmate ko sa itim kong school bag, gamit ang silver ink marker. Tikas, New Wave daw ang dating! Sa bag kong ito ngayon nakalagay ang mga naipon kong basura at gamit noong estudyante pa ako. Naging time capsule na naglalaman ng sari-saring bagay:
- Resibo ng entrance fee ko sa high school
- Resibo at sukat ng toga ko noong Graduation
- Registration cards mula first to fourth year
- Report cards sa third at fourth year
- Kopya ng NCEE score report at certificate of good moral character
- Quiz notebooks (hindi pad paper ang gamit namin pag may quiz)
- Test papers (perfect 'yung iba, bokya 'yung iba)
- Reviewers at examination form para sa NCEE (Nang kukunin ko na 'yung resulta ng exam, muntik malaglag sa kinauupuan 'yung Guidance Counselor namin dahil nakita niyang walang gusot 'yung 1 foot stub ko ng NCEE form. Hindi ko man lang tiniklop 'yung stub sa pag-aakalang mai-invalidate 'yung exam ko. Ganon ko sineryoso ang NCEE.)
- Isang pares ng black school socks
- Bullcap, t-shirt, buckle, tickler, at white handkerchief na gamit sa CAT
- Student's handbook
- Teacher's Evaluation Form (kung saan kami gumaganti sa teacher)
- Excuse letters na puro excuses
- 5 sheets of intermediate pad na naglalaman ng paulit-ulit na sulat ng 'I promise to wear my PE uniform every meeting.' (Halos lahat kami sa section pinagawa ng ganito.)
- Kopya ng opening remarks ko para sa isang school program
- Kopya ng souvenir program ng JS Prom, Career Orientation, at CAT Graduation
- Name tag ko noong Recollection
- Isang mahabang balahibo ng manok na bigay ng classmate ko noong last classroom instruction namin sa CAT. Napulot n'ya 'yon sa school grounds (oo, may manok kami sa eskuwelahan) , binigay n'ya sa 'kin dahil pluma daw 'yon ni Rizal.
- Leather wallet na Christmas gift ng isang classmate. Naglalaman ito ng balat ng Halls candy, nginuya ko noong CAT graduation, at Biogesic tablet na bigay ni 'special someone' nang minsang sumakit ang ulo ko sa eskuwelahan
- Js Prom candle (hindi nasindihan dahil sa lakas ng hangin)
- Pictures noong Graduation Day
- At love letter galing kay 'special someone' noong Graduation.

Kasama ang mga down to earth outcasts ng klase, naghanap ako ng papasukang kolehiyo sa Maynila. Revenge of the Nerds, Pinoy version.
First stop: University of the East. Dire-diretso kami sa loob ng campus, pero sinita kami ng security guard. Hindi pa raw sila tumatanggap ng applicants. 'Sa February 12 pa! ' sabi nung sikyo. Sinunod naman namin s'ya, disappointed kaming lumabas ng gate. Malayo na kami nang maisip naming February 12 na pala noong araw na 'yon.
Second stop: Polytechnic University of the Philippines, PUP, also known as Philippine University of the Philippines. Medyo hindi nagustuhan ng mga kasama ko ang vibes pagpasok namin ng campus, siguro dahil sa sikyong nangha-harrass sa gate sa pagtitinda ng SASEng kakailanganin sa resulta ng exam. Medyo magulo ang proseso noong araw na 'yon, pinagpapasahan kami ng mga personnel. Nag-back out kami.
Third stop: Centro Escolar University. Ayos naman. Inilagay ko sa application form na gusto kong kumuha ng kursong Marketing, pero ang totoo wala lang akong maisip na kurso noon. Nag-eeny-meeny-miney-mo lang ako para may maisagot sa tanong.
Fourth stop: Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Computer Science ang isinulat ko sa application form, kahit na ang interes ko sa mga computers noon ay kapantay lang ng interes ko sa mga kulugo.
Fifth stop: Lyceum of the Philippines. Hindi ako nakapag-exam kasabay ng mga kasama ko, kinailangan ko pang magpa-re-schedule. Pero masaya dahil winelkam kami ng mga estudyanteng nagwewelga.
Sa awa ng Diyos, nakapasa naman ako sa lahat ng entrance exam ko, maging sa PLM kung saan marami sa mga kakilala kong matalino ang bumagsak.
Pero kahit na 10 lbs. na ang nawala sa amin ng mga kasama ko, kahit na nagkandaligaw-ligaw na kami at na-dehydrate sa paglalakad ng malayong distansya sa ilalim ng galit na araw, hindi ko pa rin nakita ang eskuwelahan ko. Alam kong kailangan ko pang mamanhikan sa isa pang eskuwelahan. Isa na lang!
Nakita ko rin s'ya paglipas ng ilang araw. Love at first sight. Kahit na 30 minutes akong late sa entrance exam, nakapasa pa rin ako. Suwerte ko raw sabi ng iba dahil madalas daw e hindi na pinag-e-exam ang late. Nilagay ko sa application form Computer Science. Sabi ng office assistant wala raw sila ganoong kurso. Pinalitan ko ang kurso ko ng kahit anong tungkol sa computer. Basta may 'computer' ayos na 'yon.
Sa wakas, college na 'ko! Nagsimulang tumugtog ang theme ng Voltes V sa isip ko.

Pero wala na 'kong ibang kuwento tungkol sa college. The end.
Wala na 'kong gaanong maalalang istorya. Siguro dahil pinilit kong tanggalin na sa isip ang mga nangyari, kasabay ng pagsunog sa mga gamit ko. Minsan iniisip ko 17 years old ako namatay pero hindi ako nailibing.
Seventeenth birthday ko nang una akong makatikim ng mabigat na rejection. Dahil sa heavy traffic, na-late ako sa first period class at hindi na pinayagan ng instructor sa Economics para kumuha ng Prelim exam. Apply na lang daw ako for special exam at isasabay n'ya ko sa ibang section. Sinunod ko naman s'ya. Pagdating sa Dean's Office, hindi raw valid ang reason ko. No special exam.
Nagpaliwanag ako. Sinabi kong hindi ako 'hindi pinayagan' ng instructor ng mag-exam, ayaw n'ya lang na magipit ako sa oras kaya isasabay n'ya lang ako sa ibang klase.
'Wala akong makitang rason, ' sabi nung Dean's Assistant. Pagkatapos ng konti pang pakikipagtawaran, naisip kong tama s'ya. Kahit ako walang makitang katwiran sa mga sinabi ko. At mali ako, hindi ko alam kung bakit ako nagpa-uto sa instructor ko. Umabot naman ako sa period n'ya, bakit hindi n'ya 'ko hinayaang mag-exam? Kung concerned s'ya sa 'kin, bakit kinailangan ko pang humingi ng permit sa Dean e idea n'ya naman na isabay ako sa ibang section?
Sayang. Kung humabol ako siguro kahit kalahati nung exam nasagutan ko. May utak naman ako, pero pinili kong maging bobo. Aminado akong kasalanan kong maging late nung araw na 'yon, pero mas kasalanan ang hindi ko ipaglaban ang simpleng karapatan sa loob ng klase. Muntik akong madisgrasya sa daan paglabas ng eskuwelahan. Wala ako sa sarili. Doon ko lang naisip na ganon pala sa college. Gaguhan.

Sampung istasyon ng tren, dalawang jeep, higit labinlimang minutong lakad, at halos isandaang baitang ng hagdan - anim na beses sa isang linggo - 'yan ang tinatahak ko papuntang eskuwelahan noong first semester. One way lang pala 'yan at hindi pa kasama ang pagpunta sa kinkainan ko sa labas ng eskuwelahan tuwing tanghali. Pagod, puyat, lipas ng gutom, homeworks - 'yan ang nag-welcome sa 95 lbs. kong katawan dati sa kolehiyo.
Madalas akong huli sa klase. Pagdating sa upuan ko, ang pagpiga ng panyong basang-basa ng pawis ang una kong ginagawa. Tapos isasampay ko 'yon sa hita ko, pantalon ko naman ang basa. Pero ayos lang, natutuyo naman 'yon sa aircon, kasabay ng pawis ko sa likod. Pag-uwi sa bahay, bagsak na 'ko sa kama. Wala nang merienda o hapunan. Ano mang oras na natitira e kulang pa sa homeworks.
Fatigue? Burn out? Hindi ko alam. Lumipas ang mga linggo nang ganito. Habol ako nang habol ng oras, pero lagi pa ring kulang.
Isang beses late na naman akong dumating sa klase. Hindi na tinanggap ng instructor ang science project ko. Alam ko na ang ibig sabihin non.
First year. First semester. First time. Bagsak ako sa General Science 101.
Lumala ang late, dumami ang absences. 'Yan ang katangian ng 2nd sem ko. Pero noong panahon na 'yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang back subject, pero ayos lang. Kung baga sa action film e nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema. Ako pa nga ang nagpapalakas ng loob ng classmate kong minor subject lang ang bagsak.
Disente pa rin naman ang score ko sa mga quiz at exam. Tumatawag pa rin ako ng positibong pansin sa klase paminsan-minsan. Kaya lang di talaga maiwasang maglaro sa 75 ang grades ko dahil sa mga missed quiz, missed recitation, missed project, missed exam. Misery.
Nagkasakit ako pagdating ng Finals. Isang linggo ang Finals, isang linggo rin akong absent. Nalaglag na lahat ng mga bolang jina-juggle ko. Six units ang failed ko.9 units ang incomplete. Hindi na lang basta daplis ng bala sa braso ang tama ko. Pakiramdam ko noon e ibinala na 'ko sa kanyon. Mas madali pang umulit ng subject kesa mag-hunt ng instructor at mag-complete ng requirement.
Nag-summer class ako.
Isang hakbang 'yon ng pagbangon. Binalikan ko ang back subject at kumuha ng advanced subject para di sayang ang pamasahe.
Oasis. Spring in summer. Tagumpay. Naging isang magandang karanasan sa 'kin 'yung summer na 'yon. Bumalik ang lakas ko at interes sa pag-aaral. Siguro dahil bakasyon walang gaanong traffic at madaling magbiyahe papuntang eskuwelahan. Siguro dahil wala masyadong estudyante sa eskuwelahan, konti lang kayo sa klase, tahimik, at nakakapagturo nang maayos ang instructor. Siguro dahil iba ang naging instructors ko...alam ang itinuturo, masipag at matyaga, at hindi lang basta hintuturo ang ginagamit sa pagtawag ng estudyante pag recitation, kundi pangalan. Kinilala ako ng instructors ko nung summer.
Ayos. Naging mayabang ulit ang classcard ko.
Kaso sa Second Year, bumalik ang eskuwelahan sa dati nitong anyo - gubat. Bumalik din ako sa dati kong pagkatao - insekto. Unti-unti nang bumigay ang interes ko sa pag-aaral. Meron akong advanced subject, marami akong back subject. Magulo na ang schedule ko. Kinailangan ko nang humiwalay sa barkada at mag-free section. Kalat-kalat na vacant period, iba-ibang classmate.
Dati uma-absent ako kung kelan ko gusto. Ngayon pumapasok ako kung kelan ko na lang gusto. Mas marami na ang absences ko kesa sa ipinasok sa eskuwelaha. Pero hindi ako tinatamad. Hindi, dahil gumigising pa rin ako tuwing umaga. Araw-araw. Nag-aalmusal, naliligo, nagbibihis ng uniform. Kaya lang pag ayos na ang lahat, tsaka ko lang maiisip na ayokong pumasok.
Nakahalata ang mga classmate ko sa 'kin. Lagi nila kong pini-pep talk noong una, pero nagsawa rin sila.
Five units ang panibago kong damage.
Second year, second sem, second life. Patay na sana ang college ko kung hindi ako ini-enroll ng utol ko. Suko na kasi ako. Ayoko nang dumaan ulit sa nakakabagot na enrollment. Ayoko nang malaman kung gaano pa kalayo ang tatahakin ko para makuha ang pesteng diploma.
Six units ang Accounting 1 ko, dalawang beses na tigta-tatlong oras ko s'yang inuupuan sa klase sa isang linggo. Nakatatlong ulit ako ng Accounting 1, kabisado ko na nga ang mga exam, pero hindi ako nakakatagal ng isang sem, hindi ko natatapos. Pre-requisite 'yung subject, meron pang Accounting 2 and 3. At meron pang Business Orientation 1,2, and 3 na kailangang simultaneous daw sa Accounting 1-3.
Pesteng diploma.
Sa pag-aakalang babalik ang dati kong interes sa pag-aaral, nag-summer class na naman ako. Dalawang buwan ang summer. Isang buwan lang ako tumagal. Ubos na ang gasolina. 'Yoko na.

Naghanap ako ng panibagong buhay sa ibang eskuwelahan. Nakahabol ako sa third trimester ng panibagong college.
Ayos naman ang eskuwelahan, ang faculty, ang mga estudyante, ang buhay. Naka-adapt kaagad ako sa bago kong mundo. Solb na 'ko. Akala ko.
Nagkasakit ulit ako pagdating ng Finals. Nawalan pa 'ko ng school ID at registration card na kailangan para sa exam permit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong bisperas ng exam: Tatapusin ang school projects, reports, at iba pang requirements? Magre-review para sa exam? Gagawa ng ID at registration card para makakuha ng exam permit? O susunod sa payo ng doktor na magpahinga at wag magpuyat kung ayaw kong tumira sa ospital?
Malamig ang panahon, magpapasko, hatinggabi, tahimik. Alam kong anuman ang magiging desisyon ko noon e guguhit sa kinabukasan ko. Long term.
Uminom ako ng gamot. Tapos natulog.
Natapos ang Pasko. Kailangan na ulit harapin ang problema. January pa lang, Mahal na Araw na. Hindi ko pwedeng ipaalam sa pamilya na pumalpak na naman ako. Hindi pwede. Masyado nang marami ang mali ko. Madalas. Paulit-ulit.
Itinago ko ang problema. Pagdating ng pasukan, balik pasok din ako sa eskuwela, kahit na hindi ako enrolled at may mga limang incomplete subject pa last sem na naghihintay ng saklolo sa purgatoryo. Umaalis pa rin ako ng bahay at humihingi ng pamasahe na parang isang estudyante. Pero ang oras, pinapatay lang sa Maynila, paikot-ikot.

Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam Niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
Habang nagsasalo sa hapunan ang pamilya at ilang bisita, nagkaroon ng gulo sa bahay. Gawa ko. Hindi ko sinasadya, pero nagawa ko siguro dahil gusto ko na rin malaman nila na meron pa 'kong mas malalang kapalpakan na kailangang ikumpisal.
Di na 'ko nakatagal. Noong gabi ding 'yon, isinulat ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Letter of apology.
May kahabaan 'yung sulat. Sinabi ko ang problema ko sa eskuwelahan. Sinabi ko ang mga simpleng pangarap, takot, tuwa, galit, lungkot, at panghihinayang. Nag-crack na pala ako sa pressure, hindi ko pa lam. Medyo nagkasabay-sabay kasi ang problema ng pamilya noon. Hindi ko na binigyan ng karapatan ang sarili ko na humingi ng tulong para sa sarili kong problema. Sinabi ko na wala akong naging masamang bisyo. Nawalan lang talaga ako ng interes sa pag-aaral. Nalito. Napagod. Hindi ko nakasundo ang buhay-kolehiyo. Nawalan ako ng tiyaga...ng pag-asa...ng pangarap...at ng minamahal.
Sinabi ko, inamin ko, na minsan sumagi sa isip ko ang isa sa mga gamit ng baril. Masyado na kasing maraming bura ang papel, hindi na pwedeng gamitin, dapat nang itapon sa basurahan. Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa isang tao.
Naisulat ko ang lahat ng hindi ko kayang sabihin.
Nagkausap rin kami ng mga kapatid ko, tubigan ang mga mata, basag ang boses, at nanginginig ang bawat salitang binibigkas. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka. Noong gabing 'yon ko lang naramdaman na huminto ang pamilya para lumingon sa pinakabatang miyembro. Isa lang hiniling ko sa kanila: ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
Wala ang mga magulang ko noong panahon na 'yon. Nasa probinsya ang nanay ko, nasa barko ang tatay ko. Matagal bago ko sila nakausap. Alam ko ang dismayang pasan ng balita, pero alam ko rin na alam ng tatay ko na kung may higit na madidismaya, ako 'yon. Nagtanong s'ya kung ano ang nangyari at kung ano ang binabalak ko, pero hindi na s'ya naghanap ng paliwanag. Sa maikling pag-uusap, hinayaan n'yang maisip ko na may sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.

Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko nang makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.
Wala na 'kong balak mag-aral. Gusto kong patuloy na matuto, pero ayokong bumalik sa eskuwelahan. Ginusto ko man ulit makatapos, 'yun e para na lang masabing may natapos ako, kahit ano. Patuloy man akong naghangad ng diploma, para na lang 'yon may maitapal ako sa butas na dingding ng buhay ko. Kasi ritual 'yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. At oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.
Bumalik pa rin ako ng eskuwelahan at kumuha ng kursong technical. Kursong computer, dalawang taon. Nakakailang pag naririnig kong tinatawag 'yon na 'vocational', para bang napakababa. Tuwing babanggitin ang two year course laging kasunod ang 'lang'. Two year course - LANG. Hindi sa college, hindi sa university, sa learning center - LANG. Hindi Computer Science, hindi Computer Engineering. Computer Programming - LANG.
Tulad ng marami, hindi pantay ang tingin ko dati sa mga out-of-school youth, mga vocational graduates, at sa mga hindi nakatapos ng pag-aaral. Ngayong isa na 'ko sa kanila, mas madali nang sabihing naiintindihan ko na.
Ibang-iba ang demography sa two-year course. Karamihan ng estudyante e galing sa public school. Pero mali kung sasabihing 'mapupurol' ang mga estudyante sa vocational school. Kung ikukumpara sila sa mga college students, ang pinagkaiba lang e mas konti sa kanila ang bilang ng mga 'matatalino' sa klase kumpara sa mga average at below average students.
 
opium lestre

Read more poems from opium lestre >>>
   
 
 
<< prev. page

Page: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 20 30 40 50 60 91

next page >>

 

 
BEST POEMS:  (Click on a topic to list and read the poems)
• angel poems
• 
beautiful poems
• 
death poems
• 
friend poems
• girl poems
• 
home poems
• 
hope poems
• 
kiss poems
• life poems
• 
loss poems
• 
love poems
• 
music poems
• nature poems
• 
rain poems
• 
school poems
• 
sex poems
• soldier poems
• 
summer poems
• 
sun poems
• 
war poems
 
(c) Poems are the property of their respective owners.
All information has been reproduced here for educational and informational purposes to benefit site visitors, and is provided at no charge.. 
Contact Us | About Us | Copyright notice | Privacy statement

Poems On / About GRADUATION